SK kagawad, 1 pa dakip sa panghahalay

KULONG ang isang kagawad ng Sanggunihan Kabataan at isa pa matapos ireklamo ng panghahalay ng isang dalagita na nilasing ng mga una sa Valenzuela City kagabi (Enero 22).

Nakilala ang mga dinakip na sina Jemellson Melegrito, 18, SK kagawad ng Mabolo ng lungsod at Ranier Prudencio, 18 kapitbahay ng una.

Batay sa reklamo ng biktimang edad 15 ng Pasolo ng lungsod, inimbitahan siyang uminom ng mga suspek sa isang bahay sa Mabolo ng lungsod na pinagbigyan naman niya.

Dakong alas-6:00 ng gabi ay nalasing ang biktima at dito na sinamantala ng mga suspek ang pagkakataon at halinhinang hinalay ang biktima.

Pag-uwi ng biktima ay nagsumbong agad siya sa mga magulang na naging dahilan upang damputin ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply