‘Skybridge’ itatayo ng MMDA

INILALATAG na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagtatayo ng panibagong tulay sa Edsa upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, na layunin ng proyekto na makapagtayo ng “Skybridge” na magdurugtong sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City hanggang sa Makati City.

Sa pamamagitan nito, magiging 15 hanggang 18 minuto na lamang ang biyahe papunta sa magkabilang lungsod.

Ipapasa ng MMDA ang construction plan sa National Economic Development Authority (NEDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maaprubahan ito. (Johnny F. Arasga)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply