Slalom Kings ng 2011 kinilala na!

KINORONAHAN na ang mga naghari sa Slalom Series noong nakaraang taon!

Bidang-bida si Noel Rivera sa ginanap na Awards Night noong nakaraang Sabado sa PPC Building sa Quezon Ave., sapagkat inuwi niya ang titulo bilang 2011 Slalom King at 2011 Overall Production Series Slalom Champion. Sa loob ng 12 rounds, si Rivera ay nakakalap ng combined total na points na 213.5 points, kung saan ang 106.5 points ay mula sa kanyang halos sunod-sunod na pagkakapanalo sa Overall Production series ng kumpetisyon.

Sinegundahan ng beteranong Slalom driver na si Dr. Peewee Mendiola ang 213.5 points ni Rivera ng kanyang 209 puntos; ang “big man” ng Big Chill Racing Team ang nakakuha sa posisyon ng 1st runner-up para sa Overall Production Series. Hindi rin nagpahuli ang binatilyong si Milo Rivera ng Fern C- Racing Team na nakapagtala ng 194.5 total points at naglagay sa kanya sa 2nd runner-up spot ng Slalom Kings noong nakaraang taon.

Samantala, ang halos sunud-sunod na pagkakapanalo ni Nino Sarte sa Frontwheel category sa lahat ng Slalom rounds noong nakaraang taon ang nagluklok sa kanya sa pwesto bilang Frontwheel champ ng 2011 National Slalom Series. Hindi binigo ni Sarte ang kanyang koponan na DKC Racing Team dahil umabot halos sa 140 puntos ang nakalap ni Sarte noong nakaraang taon.

Ang driver ng Auto Fastion Racing team na si Jevoy Moreno ay naka-61 points sa loob ng 12 rounds habang ang 2nd runner-up ng Frontwheel category na si Patrick Bautista ay nakapagtala ng 40 points. Ang hinirang na kampeon para naman sa Novice category ay si Pompy Yambao na at sinundan ni Hans Melosantos.

Ang taunang National Slalom Series ay pinangungunahan ng RACE Motorsports Club sa ilalim ng pangangasiwa ng mag-asawang sina ginoo at ginang Lito at Bing Bang Dulce.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply