Snatcher na binatilyo natiklo

SA UNANG pagkakataon ay nagawang manghablot ng pares na hikaw ang isang 17-anyos na binatilyo para umano may pambili ng gamot ang inang may sakit subalit minalas itong masukol habang papatakas sa Malate, Manila kaninang tanghali.

Dahil sa menor edad, itinago sa pangalang “Totoy” ang nadakip na suspek na isang tambay.

Batay sa naging salaysay ng biktimang si Jessica Barbosa sa tanggapan ni Chief Insp. Anita Araullo, hepe ng Manila Police District-Children and Women’s Protection Unit, dakong alas-11:45 ng tanghali nang maganap ang nasabing insidente sa pagitan ng Julio Nakpil at Remedios sa Taft Avenue sa Malate.

Nag-aabang ng bus patungong Cavite City si Barbosa sa southbound lane ng Taft Avenue sa Malate nang biglang hablutin ng suspek ang kanyang pares na gintong hikaw saka mabilis itong nagtatakbo at sumakay sa pampasaherong jeep patungong Sta. Ana.

Hindi naman nasiraan ng loob ang ginang, sinundan niya ang jeep at nang maabutan ay nakita nitong nagpalit na ng damit ang suspek at isinasauli na sa kanya ang ninakaw na hikaw.

Dahil na rin sa tulong ng mga tambay sa lugar, dinala sa barangay hall sa Brgy. 696 sa Zone 76 ang suspek bago ito inilipat ni Juan Carlos Parina, 32, na isang barangay tanod sa MPD-Headquarters.

Depensa ng binatilyo, first time lamang niya umano ito ginawa dahil awing-awa umano siya sa kanyang ina na may hika at sa anim nilang magkakapatid kung saan dalawa sa kanila ang may asawa na kaya siya ang tumatayong panganay sa lima pa nitong kapatid. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply