‘Solar flare’ walang epekto sa Pilipinas

NILINAW ng Philippine Atmospheric and Geophysical Services Administration (PAGASA) na walang epekto ang nangyaring solar flare sa Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng pangamba ng ilang weather stations sa ibang bansa na may epekto ang solar radiation sa mundo sa pagsabog na naganap sa araw.

Kinumpirma naman ni Dario dela Cruz, ng Astro Observatory ng UP Diliman na mababa lamang aniya ang antas ng sinasabing radiation at walang direktang epekto sa kalusugan ng tao.

Dagdag pa ni dela Cruz, tanging ang dulong hilagang bahagi lamang ng mundo ang maapektuhan ng solar storm.

Batay sa ulat ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), apektado ng Solar Flare ang mga bansang Canada, Scandinavia at Asya, marami na ring flights ang na-divert dahil nakapagdudulot aniya ito ng problema sa navigation equipment, nakaapekto rin aniya ang solar flare sa communications satellites at power grid.

Magkagayunman, tiniyak naman ng Astro Observatory sa UP Diliman na hindi maapektuhan ng solar flare ang Pilipinas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply