Solon isinusuka ng kanyang mga abogado, staff

HALOS isuka na ng mga abogadong empleyado ang kanilang among mambabatas kaya napilitan na ring lumayas ang mga natitirang abogado.

Sa kuwentong nakarating kay matang kuwago ng Remate, sobrang lupit umano ng mambabatas na ito dahil kahit na abogado, doktor at kilalang tao ang kanyang kaharap ay walang pakialam basta gusto niyang pagalitan at sigaw-sigawan to the point na hiyang-hiya na ang tao at kung minsan pa nga ay nagmumura ito.

Ayon sa isang empleyado nitong abogado, bagama’t matagal na siya sa naturang mambabatas, talagang hindi na niya matiis ang kalupitan ng kanyang boss sa pagsesermon at paninigaw sa kanya nang personal, sa telepono at maging sa harap ng maraming tao.

Mukhang walang tamang norms ang mambabatas na ito sa pagsita at pagsasalita sa kanyang staff.

Patunay rito ang unang paglayas ng kanyang chief of staff na isang abogado, kaibigan at kaklase niya.

Dahil bukod sa pagsisigawan at pagtatalo, humantong pa sa murahan ang dalawa.

Lumayas din ang isa pang abogado sa poder ng mambabatas matapos ikasal.

Nilayasan din ang naturang mambabatas ng isa pang masipag at magandang abogado na hindi nakatagal sa pag-uugali ng kanyang boss.

Wala na ngang abogado sa tanggapan ng naturang mambabatas at patuloy itong naghahanap ng bagong staff na lawyer.

Hindi pa kaya nadadala ang mambabatas na ito sa massive resignation ng kanyang mga abogado at staff?

Dapat sigurong mag-isip na sa pag-uugali ang mambabatas dahil baka sa susunod, paggising niya ay wala na siyang staff kahit isa maliban na lang sa isa  niyang empleyadong naghahari-harian at feeling boss din.

Ang mambabatas na patuloy na nilalayasan ng mga abogadong staff ay mahilig sa kulay berde as in luntian at kung babae o lalaki bahala na kayong humusga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply