Solons napababayaan na ang trabaho dahil sa impeachment

MARAMI na umanong trabaho ang mga kongresista na napababayaan dahil sa sobrang pagtutok sa impeachment trial kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Kinumpirma ni House Majority Leader Neptali Gonzales na kinakapos na ng oras ang Justice Committee na pinamumunuan ni Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr. para aksyunan ang impeachment case ni Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo dahil abala ang mga miyembro ng komite sa kaso ni Corona.

Ayon kay Gonzales, walong araw na lang umano ang natitira sa 60 araw ng sesyon na taning sa komite upang i-dispose ang reklamo sa mahistrado.

Ang reklamo kay Del Castillo ay nabitin sa determinasyon ng sufficiency of grounds matapos itong ideklara ng Justice Committee na sufficient in form and substance.

Nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y pangongopya ni Del Castillo ng desisyon sa kaso ng comfort women.

Bukod dito, nakasalang na rin sa plenaryo ang anti-trust bill at ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.

Umaasa naman si Gonzales na maipapasa na sa ikalawang pagbasa ang kontrobersyal na panukala bago matapos ang second regular session sa ika-23 ng Marso.

Iginiit ng mambabatas, na sa ngayon ay hindi pa masabi kung magkakaroon ng botohan sa nasabing mga kaso dahil gustuhin man nila o hindi ang impeachment proceedings ay distraction sa kanila, dagdag pa dito ang nangyayaring kaguluhan sa liderato ng minorya ng Kamara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply