Special election sa Zambales umiinit na

UMIINIT na ang isasagawang special election para sa congressional seat sa ikalawang distrito ng Zambales sa Pebrero 4, taong kasalukuyan.

Ito ay makaraang magpahayag si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. na hindi siya papayag na matalo ang kanyang anak sa naturang special election.

Kaugnay nito, sinabi ng ilang residente na malabong mandaya sa naturang halalan ang anak ng gobernado lalo na’t sila ang nakaupo sa puwesto.

“Kung magkakaroon man ng dayaan ay tiyak na hindi sa ibang kandidato manggagaling ang pandaraya at siguradong hindi naman pahihintulutan ng Commission on Elections,” anang mga residente.

Si Omar, provincial administrator ng Zambales ay kakandidato bilang kongresista na makakalaban sina Alfred Mendoza, Cheryl Deloso, Rica Diaz at Jun Pangan.

Pinaiiral na ng Comelec ang gun ban sa 11 bayan na nasasakupan ng ikalawang distrito ng Zambales upang matiyak na magiging matahimik at mapayapa ang nalalapit na election.

Sa darating na Enero 16 hanggang 18, itinakda ng Comelec ang pagsusumite ng ‘certificate of candidacy’ at sa Enero 19 naman hanggang Pebrero 2 ang kampanyahan habang sa Pebrero 4 isasagawa ang special election.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply