Spurs naitakas ang ‘W’ sa Magic

KINAILANGAN ng San Antonio Spurs ng isa pang quarter upang itakas ang 85-83 panalo kontra Orlando Magic sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Umarangkada ng todo si Tony Parker para sa opensa ng Spurs upang punan ang pagkawala ni Manu Ginobili.

“We wanted to come here and try to play well and have an opportunity to win the game,” wika ni Parker. “I’m happy it bounced our way finally.”

Umiskor ng 25 puntos, nine assists at seven rebounds si Parker habang 17 points, 10 boards at dalawang assists ang sinalpak ni star player Tim Duncan.

Magkakaroon sana ng second overtime subalit sinablay ni Magic bench player Von Wafer ang kanyang bonus shot may 15 segundo na lamang ang natitirang oras sa extra period kung saan 84-83 ang score pabor sa Spurs.

“We just came up short in the end,” ani Magic ace player Dwight Howard.
“Third game in a row, (we) fought hard for the whole game. So there’s nothing bad you can say about tonight’s game.”

Doble kayod din si Howard sa kanyang koponan kung saan ay tumapos ito ng 24 points, 25 boards at tatlong blocks.

May naitala ng 10-5 win-loss card ang San Antonio habang 10-4 panalo-talo baraha naman ang Orlando.

Samantala, sinakmal ng Memphis Grizzlies ang New Orleans Hornets,
93-87 upang ilista ng una ang four-game winning streak habang five-game losing streak naman ang natikman ng huli.

Sa ibang NBA results, pinayuko ng Boston Celtics ang Toronto Raptors, 96-73.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply