SRP sa pangunahing bilihin nananatili pa rin

NANANATILI pa rin ang suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing bilihin upang mapanatili at hindi makapagsamantala ang mga tiwaling negosyante.

Ito ang nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos ang holiday season.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Zenaida Maglaya, kahit tapos na ang holiday season ay mananatili pa rin ang SRP sa mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, isda, manok, baka, baboy, kape, asukal, gatas, mantika, sardinas, sabong panlaba at panligo at kandila.

Ang SRP ay una nang inilatag ng DTI nito nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply