SSS, Philhealth, Pag-IBIG contributions, ipinatitigil muna

NANAWAGAN sina Rep. Rufus Rodriguez, 2nd District, Cagayan de Oro at Rep. Maximo Rodriguez, Jr., Partylist, Abante Mindanao sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) at Pag-IBIG na pansamantalang isuspinde ang mga bayarin at kontribusyon ng mga miyembro na grabeng naapektuhan ng bagyong Sendong, partikular sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Inapela ito ng magkapatid sa Kamara at hiniling na pagtibayin ang House Resolution No. 2021 para maibsan at makatulong sa mga biktima ng bagyo.

Sa resolusyon, kanilang inaatasan ang GSIS, SSS at Pag-IBIG na ipahintulot ang isang taong moratorium sa loan payments at contributions ng mga biktima ni Sendong.

Bagamat nag-isyu si Pangulong Aquino ng Proclamation 303 na nagdedeklarang state of national calamity sa Cagayan de Oro  at Iligan City, sinabi ni Rodriguez na hindi sapat ang tulong na ito sa malubhang pinsala na dinanas ng mga biktima.

Bukod sa pagbibigay ng isang taong moratorium sa mga bayarin at kontribusyon, inaatsan din ang GSIS, SSS at Pag-IBIG na madaliin ang pag-apruba sa loan application ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply