Station manager sa GenSan nilikida

ISA na namang mamamahayag ang napatay makaraang tambangan ng riding in tandem kagabi (Enero 5) sa General Santos City.

Namatay noon din ang biktimang si Cris Guarin, station manager at publisher ng isang local news paper sa naturang lungsod, bunga ng limang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na si Guarin ay galing sa isang meeting at papauwi na kasama ang kanyang pamilya nang harangin ng dalawang armadong suspek na nakasakay sa isang motorsiklo sa national highway dakong alas-10:00 ng gabi.

Dahil nakatatanggap na ng pagbabanta sa kanyang buhay, alam na umano ni Guarin na lilikidahin siya kaya tumakbo ito palabas ng kanyang sasakyan para hindi na madamay ang kanyang  pamilya pero sinundan ito ng mga suspek at pinagbabaril.

Wala pang matibay na motibo sa pananambang kay Guarin dahil tanging herbal medicine lamang ang tinatalakay sa progrma ng biktima.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply