Suarez bigo sa liderato sa minorya – Lagman

BIGO si Rep. Danilo Suarez na makuha ang suporta ng may 15 miyembro ng oposisyon sa tangkang pagpalit sa puwesto kay Minority Leader Edcel Lagman.

Ito ang inihayag ni Lagman sa kanyang inilabas na kalatas matapos ang ginawang simple at mapayapang pamamaraan upang maiwasan ang pagkahati-hati ng minorya sa Kamara.

Bukas ay muling babalik ang mga mambabatas sa regular na sesyon kaya inaasahan na ang komprontasyon hinggil sa pagpapalit ng pwesto sa pinuno ng minorya.

Ayon pa isang source, bukod kay Suarez,  anim lamang mula sa minority representatives ang dumalo sa caucus na ipinatawag ni Suarez sa Makati Golf sa Country Club kaya malabong makakuha ito ng 15 na suporta.

Nilinaw naman ni Lagman na walang team-sharing para sa minority leadership dahil hindi ito pinursige at tanging para sa speakership lamang ang nasabing usapin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply