Subpoena sa mga bangko pinababawi ng prosekusyon

PINABABAWI na ng prosekusyon team sa Senate Impeachment Court ang inihaing subpoena para ipatawag ang mga opisyal ng limang bangko kung saan may accounts umano si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Batay sa tatlong-pahinang mosyon na inihain ng prosekusyon ngayong tanghali, kanilang binabawi ang pagpapatawag sa mga kinatawan ng BPI, RCBC, PNB, LBP at BPI Family Savings Bank.

“Wherefore, premises considered, it is respectfully prayed that the request for subpoenae ad testificandum and subpoena duces tecum dated 25 January 2012 be withdrawn with reservation to the right of the prosecution to file the appropriate request for specific bank accounts of Renato and Cristina Corona at the appropriate time,” nakasaad sa mosyon ng prosekusyon.

Bago ito, magugunitang pinuna ni presiding judge Juan Ponce-Enrile ang inihaing subpoena ng prosekusyon dahil hindi espesipiko ang mga bank account ng punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply