Sundalo aksidenteng nabaril ng gf sa Iloilo

NASAWI ang isang sundalo makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang mismong kasintahan na isang guro gamit ang .45 caliber pistol na service firearm nito sa Brgy. Manacabac, Janiuay, Iloilo.

Nakilala ang biktima na si Private First Class James Espada, 25, ng Brgy. Udyungan, Badiangan, Iloilo habang ang kasintahan naman nito ay nakilalang si Ruby Octaga, 29, ng Brgy. Manacabac, Janiuay, Iloilo.

Base sa imbestigasyon, pabirong tinutukan ng baril ng suspek ang kanyang kasintahan matapos tinanggal ang magazine ng .45 caliber pistol nito.

Sa pag-aakalang wala ng bala ang baril, kinalabit ng suspek ang gatilyo nito at nabigla na lang nang pumutok ito at tumama sa kilay ng sundalong kasintahan na tumagos naman sa ulo nito.

Ang hindi nito alam, naka-chamber load ang baril at may naiwan pang bala kahit tinanggalan na ito ng magazine.

Dead on arrival ang biktima nang dumating sa ospital sa lungsod ng Iloilo habang boluntaryo namang sumuko ang girlfriend nito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply