Sunod na makasasagupa ni Pacman ihahayag next week

NEXT week na ihahayag ng kampo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang susunod na makasasagupa niya sa ring.

Sinabi ni Top Rank chief executive officer Bob Arum sa Boxing Scene na hindi nila iaanunsyo ang susunod na makakalaban ni Pacman hangga’t hindi natatapos ang Super Bowl sa ika-4 ng Pebrero, kung saan tampok ang bakbakang Julio Cesar Chavez at Marco Antonio Rubio.

Ayon pa kay Arum, inaasahang sa Hunyo 9 pa ang pagbabalik sa boxing arena ni Pacman.

Magugunitang, nauna nang nagprisinta si Arum kay People’s Champ ng mga posibleng makakalaban nito kung saan kabilang sina Juan Manuel Marquez, Lamont Peterson, Timothy Bradley at Miguel Cotto.

Tinanggal sa nasabing listahan sina Marquez at Peterson habang tumanggi naman si Cotto na makalaban si Pacquiao sa welterweight division dahil mas gustong lumaban nito sa ibang division.

Samantala, malabo na ang inaasam ng mga boxing aficionado na mega-fight nina Pacman at Floyd Mayweather Jr. matapos tanggihan nito ang 50-50 hatian sa kita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply