Sunog sa Butuan, 2 patay

TINATAYANG dalawa ang nasawi makaraang magkasunog sa Purok Uno, Sampaguita, Brgy. Villakanga sa Butuan City, kaninang madaling-araw, Enero 23.

Nabatid na nagsimulang masunog ang bahay na pag-aari ng pamilya Manlunas bandang alas-4:30 ng madaling araw na ikinawi nina Christian, 3, at Ehoy Baluca, 56.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinatayang P200,000 ang iniwang danyos matapos maabo ang bahay na inuukupahan ng tatlong pamilya.

Ayon sa isa sa mga occupants na si Jezel Otel, dumalo sila sa dawn rosary nang maganap ang insidente kung kaya’t wala silang nakuhang mga gamit at hindi na nailigtas pa ang mga biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply