Sunog, sunog at sunog pa!

ANG daming sunog na nagaganap nitong nagdaang araw at habang tinitipa natin ito, mayroon pang lumiliyab na tahanan sa …..

Sa Metro Manila at ibang matataong lugar, nakaaawa ang mga nasusunugan.

Lalo na ang mga mahihirap.

Napakahirap imadyinin, Suki, na dahil sa sunog, walang ibang masisilungan ang mga biktima kundi ang mga iskul o gilid ng mga kalsada o tulay o masisikip na pagitan ng mga gusali.

At kung iniinterbyu mo sila, lahat pala ng kanilang ipinundar ay nawala lahat.

Kailangan pa nilang magsimula muli mula sa limos ng mga may awa sa kanila at mula sa pamahalaan.

Pero hanggang doon lamang ang mga ayuda.

Ang nakatatawag ng pansin ay ang mga bata at matatanda na natutulog na lang sa loob
ng mga kariton o karton na nakalatag sa semento.

Ganito katindi ang masunugan.

oOo

Sapat na ang mga sunog na naganap sa buong bansa sa nakalipas na ilang dekada upang malaman ang mga dahilan ng sunog.

Sinasabing karamihan sa mga sunog ay nauugat sa depektibong mga kawad ng kuryente.

Yung iba ay kapabayaan gaya ng pagsisindi ng kandila sa oras ng brownout habang yung iba ay sinasadya.

Dito tayo magkonsentreyt, Suki, sa polti elektrikal wayr. Bukod sa totoong may depektibong mga kawad na madaling mag-init, hindi kaya nauugat ito sa kapalpakan o korapsyon sa pamahalaan?

Kung totoong naglipana ang mga depektibong kawad,  bakit wala tayong nababalitaang hinuhuli ang mga awtoridad na nagtitinda nito?

Hindi rin kaya bunga ito ng tongpats sa mga bilding inspektor at inookeyan na lang nila ang mga papel sa  fire safety?

Panahon nang lipulin ang mga korap at nagtitinda ng mga lumiliyab na kawad ng kuryente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply