Suplay ng pagkain sapat hanggang 2013– DA

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa hanggang 2013.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala, na ito ay bunsod ng patuloy na pagsigla ng sektor ng agrikultura sa bansa na tumaas ng hanggag 2.34% ang naging produksiyon noong 2011.

Sa ngayon aniya, nakasentro ang kanilang atensyon sa national irrigation program ng ahensiya upang magkaroon ng sapat na patubig ang mga sakahan sa bansa at upang gumanda ang ani ng mga magsasaka partikular na ng palay.

Ayon kay Alcala, sa P61-bilyon pondo na inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa ahensya ngayong taon. Ilalaan ang P24 bilyon dito sa irrigation program at ang natitirang pondo ay para naman sa food stability program ng bansa.

Sa katunayan aniya, ay tumaas pa ang total farm production ng bansa sa P1.4 trilyon noong 2011 na may taas na 11.5% kung ikukumpara sa total farm production noong 2010.

Kung hindi aniya nasalanta ng bagyong “Sendong” ang ibang pataniman noong nakaraang taon, malamang na doble-doble ang sobra sa produksyon ng pagkain.

Samantala, sinabi ng kalihim na hindi nakahadlang ang naturang kalamidad sa dami ng produkyon ng pagkain sa bansa noong nakaraang taon dahil sapat ang suplay ng pagkain sa bansa hanggang sa kasalukuyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply