Suporta sa anti-dengue

ANG dengue cases ay maaaring humuhupa na ngunit patuloy pa rin ang government hospitals sa pagtanggap ng mga dengue patient kaya naman nagbabala ang isang business executive sa publiko na huwag magkumpiyansa laban sa nasabing sakit.

Sinabi ni Ms. Ruth C. Atienza, chief operating officer ng Mapecon Philippines, Inc., ang kompanya na may kaugnayan sa pagsugpo sa mga peste, buo ang suporta ng kompanya sa hakbang ng Department of Health (DOH) sa pagpapanatili ng anti-dengue campaign sa buong taon.

Ang dengue strain, ayon sa  DOH, ay hindi na lamang basta “seasonal” kundi buong taon na. Ayon kay Atienza, mahalagang mapanatili ng mga tao na malinis ang kanilang komunidad at maayos upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok. Aniya, ang local government unit ang dapat na manguna sa hakbang na ito.

Aniya pa, ang Mapecon ay nakikibaka para sa pest-free environment sa pamamagitan ng effective methods at mga produkto laban sa mga peste.

Ang pinakamainam na paraan sa pagsugpo ng mga lamok ay ang suyurin ang kanilang breeding places na doon sila nangingitlog katulad ng maruruming kanal at stagnant water.

o0o

NINILINAW ngayon ng presidente ng manning agency na Amethyst Shipping Company Inc. na hindi niya hina-harass at wala siyang ginagawang black propaganda at misinformation laban sa isang Hapones at anim pa nitong kasamahan na kanyang inireklamo ng paglabag sa Anti-Dummy Law.

Ito ang tugon ni Dionnie P. Guerrero, presidente ng Amethyst at dating stockholder ng Sun Marino Shipping Inc. (SMSI), sa ipinalabas na press statement noong Lunes ni Masaya Yorozu na handa niyang harapin ang isinampang kaso laban sa kanya pero huwag umano sana siyang i-harass at idaan sa ‘trial by publicity’ ang demanda.

Sinabi pa ni Yorozu na iba’t ibang black propaganda at misinformation umano sa media ang ipinakakalat ni Guerrero na dati niyang kasosyo sa SMSI.

Ayon kay Guerrero, ang anomang pahayag na ginawa niya sa media ay pawang paglilinaw lang sa press statements ni Yorozu.

Nauna rito,  inakusahan ni Senior Assistant City Prosecutor Jovencio Senados ang pitong akusado na nagsabwatan upang makalahok sa recruitment at placement ng mga obrero samantalang alam nila na tanging mga mamamayang Filipino lang ang pinagkakalooban ng batas na gumawa nito. Lumitaw sa imbestigasyon na may 80% share si Yorozu habang may 20 porsyentong share si Tomira sa SMSI na labag sa batas habang pumayag naman ang limang Pinoy na ipagamit ang kanilang mga pangalan upang palitawin na sila ang may-ari ng 100% shares ng SMSI.

Naitalaga kay Manila RTC-Branch 45 Judge Marcelino Sayo, Jr., ang kaso at nag-isyu ito ng warrants of arrest laban kina Yorozu, Masahiko Tomita, Jose Mel-chor M. Del Pilar, Charito Abalayan Rangel, Bernardo B. Gerardo, Asher Marino A. Kasala at Vivencio L. Tugano, Jr. na nahaharap sa kasong Anti-Dummy Law at piyansang P30,000 sa bawat isa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply