Suporta sa bagong slogan ikinatuwa ng DOT

NATUWA ang Department of Tourism (DOT) sa positibong pagtanggap sa bagong lunsad nilang slogan na “It’s more fun in the Philippines!.”

Ayon sa ahensya, ang bagong slogan ay naging trending umano sa Twitter.

Sinabi ni Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr., na mas madaling matandaan, maintindihan at “competitive” ang bagong kampanya ng DOT.

Kahapon (Enero 6) ng ilunsad ang bagong slogan ay umani rin ito ng negatibo sa ilan nating kababayan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ang inilunsad na slogan ng kagawaran.

Magugunitang binatikos rin ang branding ng DOT noong nakaraang taon na “Pilipinas Kay Ganda” na kinopya umano sa Poland.

Dinepensahan rin ni Jimenez ang “It’s more fun in the Philippines!” na sinasabing kinopya umano sa 1951 ad slogan ng Switzerland.

Anang Kalihim, dumaan sa masusing pag-aaral ang bagong konsepto at “coincidence” lamang umano ang pagkakapareha nito sa slogan noon ng Switzerland.

Nadismaya naman si Jimenez sa ilang kababayan na sa halip umano na suportahan ang kampanya ng pamahalaan ay binabatikos pa ito.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, na ang bagong slogan ay inaprubahan na ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ani Lacierda, ikinatuwa ng Malakanyang ang magandang feedback ng bagong kampanya sa Twitter at Facebook.

Sinabi rin ni Lacierda na dumaan umano sa mahabang proseso ang pagpili na kung saan limang slogan ang pinagpilian.

Inisa-isa naman ng beteranong singer na si Jim Paredes ang bagong slogan sa kanyang Twitter account.

Aniya, kabilang sa mga dahilan kung bakit masaya dito sa Pinas, ay dahil sa pagdiriwang ng Pasko, night life, beaches, shopping, fiesta, birthday at kasal. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply