Supplier ng fast-food store sinampahan ng tax evasion

ISANG supplier ng sikat na fast-food chain ang sinampahan ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) kanina.

Inireklamo ng BIR ang Great Wall Promotionals Corp., gayundin sina Carlito Pancho, Flordeliza Casimiro, George Co at Roberto Co.

Ang Great Wall ay ang supplier ng plastic utensils ng Jollibee Foods Corp.

Lumabas sa imbestigasyon ng BIR na bagama’t nakasaad sa Articles of Partnership na ang partners ng kumpanya ay sina Pancho at Casimiro, sila ay pawang mga dummy ng mga totoong principal na sina George Co at Roberto Co.

Ito umano ay batay sa 2007 mayor’s permit na inisyu ng munisipalidad ng Sta. Cruz sa lalawigan ng Zambales at kopya ng rehistro na nakuha ng BIR mula sa Securities and Exchange Commission.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, nadiskubre rin na hindi nagbigay ng tamang impormasyon sa kanilang income tax returns ang mga opisyal ng Great Wall para sa taong 2008.

Umaabot sa P173.81 milyon ang hindi umano nabayarang income tax ng mga respondent at P66.50 milyon naman para sa VAT o may kabuuang halaga na P240.31 milyon.

Ang mga opisyal ng Great Wall ang ika-85 sa mga kinasuhan simula mag-umpisa ang Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR at DOJ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply