Surveyor utas sa crane scoop

DEDO ang isang 35-anyos na Marine Surveyor matapos na aksidenteng tamaan sa ulo ng crane scoop sa loob ng isang Vietnamese vessel sa South Harbor, sa Port Area, Manila, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Carlo Salcedo, ng 314 Bonifacio St., Poblacion, Mariveles Bataan sanhi ng matinding pinsala sa ulo, habang inoobserbahan sa Manila Doctors Hospital sa United Nations Avenue sa Ermita.

Base sa report ni Det. Paul Dennis Javier kay P/Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng M/V Quang Minh Star na nakadaong sa breakwater ng Manila sa Pier 1 South Harbor, Manila.

Nabatid na ino-operate umano ng isang Tong Thanh Viet, 32, isang Vietnamese national ng Xom Yen Loc, Huyen Kimson, Tinh Binh Vietnam at crane operator ang crane scoop ng nasabing barko ngunit pag-ikot nito ay tumama sa ulo ng biktima na naging dahilan para mawalan ito nang malay.

Naisugod pa ang biktima sa nasabing ospital pero namatay din habang ginagamot.

Boluntaryo namang isinuko ni Capt. Ngyuen The Minh si Thanh Viet sa tanggapan ng MPD-homicide para magbigay-linaw sa insidente.

Nakahanda naman umano ang nasabing kompanya na sagutin ang anumang danyos at gastusin sa pagkamatay ng biktima na kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Ospital ng Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply