Suspected drug dealer todas sa parak sa Tondo

ISANG hinihinalang drug dealer ang nasawi nang mabaril ng nakaengkuwentrong mga pulis sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila, umaga ng Martes, Enero 24.

Ayon sa panayam kay Supt. Ernesto Tendero Jr., sa dzBB, nakilala ang suspek na si Abdulbasit Malacao na nagtangkang paputukan ang mga pulis sa malapit lamang sa mismong tahanan nito.

“Ito talaga si Abdulbasit Malacao ang pinaka-target namin. Nagkataon unang pagpasok namin e wala. Napansin niya walang tao, nakita niya ang pulis, napansin din siya ng pulis na naroon na pala sa area,” ayon kay Tendero.

“Hindi naman papahuli ng buhay ‘yan. Nakipagputukan ‘yan,” dagdag pa nito.

Samantala, base naman sa hiwalay na report sa dzBB, natagpuan ang isang cal-.45 pistol malapit sa bangkay ng suspek na patunay na handa itong makipagputukan sa mga parak.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply