Suspek sa murder, pinatay sa Malabon

PAGHIHIGANTI ang tinitingnang anggulo ng mga pulis sa pagpatay sa kelot na tinuturong pumatay sa kalugar nito matapos pasukin ang una at barilin ng isa sa apat na hindi pa nakikilalang lalaki habang nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City Martes ng hapon, Enero 17.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Emuel Gremio, alyas Pilay, 21 habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kanang balikat ang kapatid na si Jayson, 19, kapwa ng Flovihome, Tonsuya.

Batay sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, nagpapahinga ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng mga suspek at pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa TMC si Jayson.

Nabatid na si Emuel ang itinuturong bumaril at nakapatay sa kalugar na si Alfonso Abaigas, nasa hustong gulang sa nasabing lugar noong Enero 15, 2012.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply