Suspek sa tangkang pagpatay sa anchorman sumuko

SUMUKO na sa pulisya ang isa sa dalawang suspek na nagtangkang pumatay sa chief of reporters at “Zonalibre” program anchor na si Bombo James Licuanan.

Kinilala ni S/Supt Graciano Mijares, hepe ng Misamis Oriental Provincial Police Office ang sumuko sa Jasaan Police Station sa pakikipagtulungan na rin kay commanding officer Lt Col Romeo Gapuz ng 403rd Brigade, Philippine Army na si Baldomero Pajo na residente sa bayan ng Jasaan, Misamis Oriental.

Nabatid pa kay Mijares na mismong ang tiyuhin ng biktima ang humingi ng tulong kay Col. Gapuz kaya kanila itong pinagtulungang ma-negotiate ang suspek upang tuluyang sumuko.

Dahil dito, agad itong sinundo ni Cagayan de Oro City Police Office chief S/Supt. Gerardo Rosales matapos ipagbigay alam sa kanya ng Misor PNP.

Kasalukuyang iniimbestigahan na rin ang suspek upang magbigay linaw sa nasabing krimen kung saan mariin nitong itinangging sangkot siya sa krimen.

Ayon pa sa suspek, sumuko lamang siya upang linisin ang kanyang pangalan.

Matatandaang pauwi na sana sa kanilang bahay si Licuanan mula sa kanyang programa, subalit tinambangan ito ilang metro lamang ang layo sa himpilan ng radyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply