Suzuki GD 110: Dadil astig ka sa Suzuki!

SINABAYAN Suzuki Philippines ang pagpasok ng Year of the Dragon sa pamamagitan ng paglalabas nila ng kanilang sarili ring “dragon”— ang GD 110!

Ang product launch noong nakaraang Martes ay pinagunahan ng TV personality at comedian na si Ramon Bautista, na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng kanyang Astig na Balita skit. Ang “balita” ni Bautista ay sumentro sa kampanya ng Suzuki na “Bakit Hindi Ka Pa Naka-Motor? Mag Suzuki Ka Na!” at sinundan ito ng isang dance number ng Suzuki Show me Da Moves dance contest champion na FMD Extreme Dance Troupe.

Upang talakayin ang Astig features ng Suzuki GD 110, inimbitahan ng Suzuki ang kilalang rider mula sa Team Suzuki Pilipinas na si ginoong Mel Aquino.

Animo’y kwentuhan lang ng dalawang magkatokayo ang pagtalakay nina ginoong Aquino at Bautista sa mga feature ng bagong GD 110.

Ang Suzuki GD 110 ay isang 4-stroke commuter bike at ilan sa mga features nito ay ang: Suzuki-PAIR system para sa mas mababang emission level,4-speed transmission,at park light indicator lamps.

Ang GD 110 ay ginawa ng Suzuki para sa mga araw-araw na nagkokomyut at ayaw ng komplikadong motor. Ang parts at accessories nito ay maaring mabili kada piraso kaya naman maaari itong buuin pauntii-unti.

Ayon sa presidente ng Suzuki Philippines na si Ginoong Satoshi Uchida, inaasahan nila na ang GD 110 ay mapapabilang sa hanay ng kanilang mga best seller.

Dagdag rin niya, handang-handa na rin daw ang Suzuki na pagtagumpayan ang larangan ng automotive ngayong 2012.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply