Tagalog, gamitin sa impeachment– obispo

IGINIIT ng isang Catholic bishop na dapat na ipaunawa sa publiko ang mga technical term na ginagamit sa impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Umapela si Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng Episcopal Commission on Bioethics ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa prosecution at defense team na gamitin ang Tagalog para higit na maunawaan ng publiko ang pinag-uusapan sa Impeachment Court.

Ayon kay Oliveros, mas mabuting maintindihan ng publiko ang nagiging takbo ng impeachment upang hindi sila malihis o magkaroon ng kalituhan sa usapin at makapagpasya ng tama.

Paliwanag ng obispo, na dapat tandaan ng magkabilang panig na hindi lamang ang mga teknikalidad sa kaso ang mahalaga kundi ang kamulatan ng publiko at ang paglabas ng katotohanan sa itinuturing na makasaysayang pangyayari sa bansa.

“Admittedly napakahirap naman talaga i-Tagalog ang mga technical term sa usaping ligal pero dapat gumawa pa rin sila ng paraan kung papano nila maipapaliwanag ng maayos na maiintindihan ng tao. Puwede naman nila ibaba sa lebel nang pagkakaunawa ng masang Filipino higit sa lahat. dapat magkaroon ng ganung pamamaraan upang maunawaan kung ano ba talaga ang isyu? Hindi naman technicalities lang ang mahalaga kundi ang katotohanan sa usapin,” ayon kay Oliveros sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Samantala, nananawagan naman si Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa media na tulungan ang mga mamamayan na ipaunawa sa kanila ang mga nangyayari sa impeachment trial sa pamamagitan ng pag-iimbita ng mga abogado upang sila ang magpaliwanag sa mga nagaganap sa paglilitis sa wikang Tagalog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply