Tahong, talaba isasalba sa red tide

PIPILITING isalba ng United Nations Environment Programme (UNEP) ang tahong at talaba sa Cavite at Bataan, ito ang pahayag ngayon ni Environment Secretary Ramon Paje.

Ani Paje, malaki ang posibilidad ba umangat ang ekonomiya ng bansa kung maiaayos ang marine sectors sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabi ni Paje na nakikipagtulungan sa UNEP at DENR ang United Nations Development Programme (UNDP), Food and Agriculture Organization ng United Nations (FAO), International Maritime Organization (IMO), United Nations Department of Economic and Social Affairs (UNDESA), International Union for Conservation of Nature (IUCN), World Fish Center at GRID-Arendal upang maisalba ang yamang dagat ng mundo, partikular sa mga bansang archipelago tulad ng Pilipinas.

Idinagdag pa niyang malaki ang epekto ng hindi tamang paggamit ng mga pataba sa lupa na itinatapon sa karagatan kaya nagkakaroon ng malawakang fishkill o pagkamatay ng mga isda, at red tide na nakaaapekto sa mga mollusk, partikular ang talaba at tahong.

Minsan o dalawang beses sa isang taon, lumalaganap ang red tide sa mga baybayin ng Cavite, Bataan at Manila Bay na nagiging sanhi upang mawalan ng pagkikitaan ang mga tahong at talaba farmers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply