Takot ako

NATATAKOT ako sa mga susunod na kabanata ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ay dahil may motion sa Supreme Court na ang impeachment ni Corona ay unconstitutional daw.

Sino ba ang magde-decide kung unconstitutional ang isang batas?

Eh di ang justices na appointed ni Gloria Macapagal Arroyo.

Sila ang overwhelming majority sa Supreme Court.

Eto pa ang isang nakatatakot na pangyayari na sana ay hindi naman matuloy.

Magpapalabas daw  ng temporary restraining order ang Supreme Court laban sa Senado.

Samakatuwid, maaaring hindi na matutuloy ang impeachment trial.

Isang huwes o isang justice lamang ang kailangan sa isang TRO at tapos ang buto-buto natin.

Ganyan din ang ginawa ng Korte Suprema sa House of Representatives nang ito ay pigilan ng SC ang impeachment ni Mercedita (forgot ko na tuloy ang pangalan niya).

Natameme ang Kongreso.

Eto pa ang isang problema.

Paano kung ayaw pumayag ang Senado sa TRO ng Supreme Court?

Paano kung sabihin ng Senado na constitutional ang impeachment trial?

‘Yan ang malaking crisis. Sabi nga ni Manong Johnny (hindi Manahan ito kundi si Juan Ponce Enrile), yan ang tunay na crisis.

At sino ang masusunod sa ganitong pangyayari o development?

Ang sabi ni Manong,  ang military lamang ang may kapangyarihan na lunasan ang crisis na yan.

Kung ganoon, malamang na magkaroon ng isang declaration of martial law.

At sino naman ang may ka-pangyarihan na mag-declare ng martial law?

Eh di si President PNoy.

At sino ang magsasabi kung may batayan ba ang martial law?

Eh di ang House of Representatives and the Senate.

Gets niyo ba?

Kung ganyan ang mangyayari, tanggal agad si Corona at ang mga kapwa appointee ni Mrs. Arroyo.

Ginawa na yan sa Amerika.

Isang supreme court chief justice ng Amerika ang nagsabing unconstitutional ang isang decision ng US president.

Nagalit ang presidente at ipinakulong ang chief justice.

Kung kaya ng Amerika yan, kaya din natin yan, mga Pinoy, lalo na si PNoy.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply