Talumpati ni Corona binatikos ng prosekusyon

BINATIKOS kanina ng prosekusyon ang talumpati ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona kung saan ipinaliwanag niya sa harapan ng mga tagasuporta ang tungkol sa ibinibintang na 45 ari-arian niya.

Ang hamon ni Marikina Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng prosecution team na sa impeachment court na lamang dapat ilahad ni Corona ang kaniyang diumano’y mga hindi nakadeklarang kayamanan at hindi sa publiko.

Nauna ng sinabon ni Senate President Juan Ponce-Enrile ang prosecution team sa pamumuno ni Iloilo Rep. Niel Tupas, chairman ng House justice committee dahil sa mga pahayag sa media ukol sa merito ng reklamo laban kay Corona maging ang statement of assets and liabilities and net worth nito.

Magkagayunman, nagpatuloy pa rin ang prosekusyon sa paglalahad ng mga nakitang ebidensya laban kay Corona.

“Pinag-usapan niya bawat isang titulo na bahagi sa subpoena. If you want to talk about somebody who is in violation of the rules, it is apparently the Chief Justice himself,” ayon kay Quimbo.

Ipinamukha rin ni Quimbo kay Corona ang nakasaad sa Section XVIII ng Senate Resolution 39, na naglalaman ng impeachment rules kung saan bawal sa mga prosecutor, senator-judges at sa defense panel na magkomento ukol sa merito ng kaso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply