Target na tourist arrival sa Boracay nahigitan

NAHIGITAN ang bilang ng mga turistang bumisita sa isla ng Boracay na umabot sa 908,000, mas mataas ito kaysa sa target ng provincial government na 900,000 noong nakaraang taon.

Ayon kay Mr. Nieven Maquirang, Jetty Port Administrator, mas mataas ng 40 porsiyento ang tourist arrival noong nakaraang 2011 kumpara sa 800,000 na turista sa taong 2010.

Batay sa talaan, 45 porsiyento ay mga foreigner at 55 porsiyento naman ang mga domestic tourist.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming numero na bumisita sa isla ang Korean, pumapanglawa ang Taiwanese, pumapangatlo ang China, American at pumapang-apat ang European, panglima naman ang mga Russian.

Ngayong 2012 target ng provincial government na maabot o malampasan pa ang 1 milyon na mga turista ang pupunta sa isla ng Boracay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply