Task Force Bourne itinatag vs fans, traffic

PARA pangalaan ang seguridad maging ang trapiko sa lugar na paggaganapan ng shooting ng “Bourne Legacy” kaya binuo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Bourne.

Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, nakikipag-coordinate na sila sa Manila Police District (MPD) para sa pagsasaayos ng crowd control at traffic rerouting.

Nabatid na magsisimula ang shooting ng pelikula bukas sa San Andres area, partikular sa Leveriza Street, Malate Manila.

Kaya naman paalala niya sa publiko, iwasan muna ang Quirino Avenue area nang makaiwas sa matinding trapiko.

Nagbigay naman ng alternatibong ruta ang MMDA para sa mga papunta ng Quirino Ave. mula sa Roxas Boulevard hanggang Taft Avenue.

Kumanan sa M. Adriatico, kaliwa sa Bagong Lipunan at kanan sa President Quirino papunta sa destinasyon.

Para naman sa mga mangagaling ng Taft Ave. papuntang Roxas Blvd., dumaan sa San Andres, kumanan ng M. Guerrero, kaliwa sa Remedios, kaliwa muli sa Ma. Orosa, kanan sa San Andres, kaliwa sa M. Adriatico at kanan sa President Quirino papunta sa destinasyon.

Magtatagal ang shooting sa lugar hanggang Linggo, mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Nakatakda ring magshooting ang grupo sa Taft Ave. sa Enero 14, mula alas 5:00 ng hapon hanggang hatinggabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply