Tatad-Drilon nagsigawan sa Senate session hall

NAGTALO sa loob ng session hall sina dating Senator Francisco ‘Kit’ Tatad at Sen. Franklin Drilon habang naka-break ang ikaapat na araw ng isinasagawang impeachment proceedings laban kay Chief Justice Renato Corona.

Hindi nagustuhan ng dating senador ang istilo ng pagtatanong ng huli sa isa sa testigo sa hanay ng prosekusyon kaugnay sa Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) ni Corona.

“Are you a judge or a prosecutor? Because you are acting like a prosecutor?,” galit na tanong ni Tatad kay Drilon nang lapitan niya ang senator-judge sa kanang bahagi ng session hall pagkatapos tumawag ng break ang presiding judge na si Senate President Juan Ponce Enrile.

“What’s your problem?,” pagalit namang sagot ni Drilon kay Tatad.

“If you want to disqualify me, go ahead,” dagdag na pasigaw na pahayag ni Drilon.

Ayon kay Drilon handa siyang harapin at sagutin ang anumang reklamo at mga maling paratang ni Tatad.

Tumanggi namang magbigay ng komento si Drilon kaugnay sa naging maikling pagtatalo nila ni Tatad kanina sa loob ng session hall.

“I don’t want to comment on that.  Ayoko nang pag-usapan,” tugon ni Drilon sa media na nandidilat ang mga mata nang tanungin pagkatapos ng isinasagawang impeachment proceedings kay Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply