Taxi driver niratrat sa Kyusi, tepok

NASAWI ang taxi driver makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Veteran’s Village, Quezon City kaninang hatinggabi, Enero 26.

Nabatid na dead-on-arrival sa pagamutan si Simeon Palataw, 51, bunsod ng tatlong tama ng bala ng baril sa leeg.

Isang lalaki ang nakita ng mga testigo na tumatakbo papalayo sa Gaudencio V. de Guzman taxi na ipinapasada ni Palataw, bago natagpuan ang mga labi ng biktima.

Hindi pa malinaw sa mga pulis ang motibo sa pamamaril sa biktima, dahil nakuha pa sa bangkay ang kanyang belt bag na naglalaman ng kanyang kinita sa maghapong pamamasada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply