Technical malversation vs GMA tinawanan lang

PINAGTAWANAN lamang ng pamilya Arroyo ang panibagong kaso na inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa P530-million Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) fund.

Ayon kay dating First Gentleman Mike Arroyo, nakakatawa at wala umanong basehan ang kasong technical malversation na inirekomenda ng DOJ laban sa dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at tatlong iba.

Paliwanag ni Ginoong Arroyo, naaayon umano sa Republic Act No. 7875 ang ginawa nilang paglilipat noon ng pondo ng OWWA sa Philhealth.

Maliban dito, isinagawa umano ang paglilipat ng pondo noong taong 2005, isang taon pagkatapos ng Presidential election.

Maging sa report umano ng Commission on Audit (COA) ay walang nakitang anomalya sa nasabing transaksyon.

Malinaw umano na dahil hindi madiin ng justice department sa kasong plunder ang dating presidente  kaya kung anu-anong kaso na lamang ang isinasampa rito.

Maliban sa dating Pangulong Arroyo, sabit din sa kaso sina dating health secretary at ngayon ay Civil Service Commission chairman Franciso Duque, dating Executive Secretary Alberto Romulo at dating OWWA Administrator Virgilio Angelo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply