Temperatura sa Baguio patuloy sa pagbagsak

PATULOY na nakararanas ng pagbagsak ng temperatura ang mga residente sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines” sa Baguio City.

Base sa ulat ng Pagasa-Baguio, pumalo sa 11.4 degree Celsius ang naitala nilang pinakamababang temperatura sa lungsod ng Baguio, at inaasahan na sa susunod na mga araw ay lalo pang babagsak ang temperatura sa lungsod hanggang Pebrero.

Dahil dito, gumagawa ngayon ng hakbang ang mga magsasaka sa lalawigan ng Benguet upang maprotektahan at maisalba ang kanilang mga pananim sa muli na namang pananalasa ng frostbite.

Nabatid pa na may mga lugar sa Benguet na nakitaan na nagsisimula na ang frostbite tulad ng Atok, Sabangan at Buguias dahil sa pagyeyelo ng mga dahon ng kanilang mga pananim na gulay bunsod ng pagbaba ng temperatura o pabago-bagong klima.

Samantala, sinabi naman ni Engineer Victor Calimlim, presidente ng vegetable section sa Baguio City public market, na umaasa sila na hindi maapektuhan ang supply ng mga highland vegetable sa mga susunod na araw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply