Tensyon sa lupaing nais agawin ng mayayaman

HALOS malaki ang pagkakahawig ng lobo sa paputok at kwitis at iba pang pampailaw na ginagamit kapag Bagong Taon.

Sa awiting “Ako Ay May Lobo” ang batang bumili ng lobo ay nanghinayang matapos mabili at lumipad ito sa langit kaya nasabing kung ibinili na lang ng pagkain ay nabusog pa sana siya.

Ganito rin ang mga paputok at pailaw na inubos bago pa man ang pagsapit ng Bagong Taon.

Matapos ang mga dagundong at kislap at luningning, usok na lang ang natira bukod pa sa kalat na naiwan. Kung itinulong na lang sana sa mga nabiktima ng Sendong sa Iligan at Cagayan de Oro o ipinanghain na lang sa hapag kainan, marami pa sana ang nakinabang at nagkalaman ang tiyan.

Maganda ang layunin ng Department of Health sa panawagan nitong itulong na lang sa mga pamilyang nawalan ng tahanan sa Visayas at Mindanao dulot ng mga bagyo ang perang ipambibili ng paputok sa pagdiriwang ng pagdating ng 2012.

Hindi lang mga daliri at katawan ang maililigtas sa hindi pagbili ng mga paputok at sa pagbibigay ng donasyon sa mga biktima na nasa rehabilitation centers, sa halip ay buhay ang maililigtas at mabibigyan ng panibagong pag-asa.

Matapos ang pagsalubong sa 2012, punong puno ng usok ang buong paligid ng Metro Manila na batid nating makasisira hindi lang sa katawan ng mamamayan subalit maging sa kalikasan.

Ang masakit dito, mayroong halos 500 katao ang naging biktima ng paputok at tinamaan ng ligaw na bala.

Napakarami ng paputok na ginamit ngayong taon. Marami rin ang nakumpiska na ang karamihan ay pinaputok din ng mga pulis na nanghuli ng mga ito.

Paano nga ba mapipigilan ng pamahalaan ang pagbebenta ng paputok at paggamit nito?

Ito ay sa dahilang napakarami ng nabibiktima taon-taon lalo na ang mga bata.

Sabagay, posibleng sabihin ng mga gumagamit nito na wala na tayong pakialam dahil pera naman nila ang ginagastos sa pagbili nito pero ang iniisip lang naman natin ay ang kapakanan nilang mga nag-uubos ng pera para lang salubungin ang Bagong Taon ng maliwanag.

Isa sa hindi magandang dulot ng paputok ay ang pagkamatay ng pulis na si PO2 Bernardo Quitero ng Quezon City Police District – Station 5 matapos salakayin ng mga tauhan ni Supt. Froilan Uy ang bodega ng mga paputok ni PO1 Faizal Mala, ng Autonomous Region in Muslim Mindanao – Provincial Police Office  (ARMM-PPO), sa Fairmont Subdivision, sa Barangay North Fairview noong Huwebes ng umaga.

Kinasuhan si Mala ng pagpatay kay Quitero at kinumpiskahan ng baril at maging ang hipag niya ay inaresto rin at ki-nasuhan kaugnay sa paputok.

Napakarami ng nakumpis-kang paputok mula sa bodega ngunit tila isang closed van lang ang nakalabas.

Nakapanghihinayang ang perang nasayang sa paputok pero mas nakapanghihinayang ang buhay na nalagas dahil sa paputok.

Kaya naman nagluksa ang QCPD nitong bagong taon. Marami ang nanghinayang kay Quitero dahil kararating lang ng visa nito patungong abroad sapagkat ang asawa nito ay nasa ibang bansa.

Buhay pa raw sana itong si Quitero kung hindi sana niratrat ng bala ni Mala at mga kasama nitong pinaghahanap na ng mga tauhan ni Uy na sasagip sa kasamang pulis na nakahandusay at may tama ng bala sa balikat.

Ngayong taon, makaiwas na sana ang mga Pinoy sa panganib na maidudulot ng mga paputok at makagawa sana ang pamahalaan ng paraan upang maiwasan na ang paggamit ng mga paputok at sa halip ay maglunsad sila ng mga programang kapaki-pakinabang na puwedeng pamalit sa paggawa ng paputok.

oOo

Nais ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply