Termino ng opisyales ng barangay palalawigin

ISINULONG ng isang solon mula sa Mindanao na ilipat ang barangay election sa huling Lunes ng Oktubre 2015 mula sa nakatakda sanang Oktubre 2013 hindi lamang para makatipid ng gastos sa kampanya kundi mabigyan ng panahon ang mga barangay officials na makumpleto ang kanilang mga proyekto.

Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, ang pagpapaliban ng eleksyon sa barangay ay makakatulong na mapag-kaisa ang bansa.

Sinabi pa ng mambabatas na kadalasang nagiging magulo at magastos ang eleksyon kaya isinusulong nito sa House Bill 5654 ang paglilipat ng petsa nito.

Ani Rodriguez, sa nakalipas na May 2010 national elections, gumastos ang Commission on Elections ng P7.2 bilyon para sa PCOS machines lamang.

Para sa 2013 elections, maliban sa halalan para sa SK at barangay, inaasahang gagatos ang Comelec ng P15 bilyon hanggang P20 bilyon.

Sa isang bansa aniya na ang budget deficit ay tinatayang aabot sa P349 bilyon hanggang pagtapos ng taon, ang P3.6 bilyon na ginastos noong 2010 ay mataas para gastusin para lamang sa barangay elections.

Nakapaloob pa sa panukala na inihain kasama ni Abante Mindanao party list Rep. Maximo Rodriguez, Jr. na palawigin ang termino ng barangay officials mula sa kasalukuyang tatlong taon. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply