Terror threat sa Pista ng Quiapo kinumpirma

MISMONG si Pangulong Noynoy Aquino ang nagkumpirma na may banta ng terorismo sa paggunita sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila bukas.

Ginawa ng Pangulo ang babala sa isinagawang press briefing sa Malakanyang matapos ang personal na pag-iikot sa Quiapo Church.

Anang Pangulo, patuloy ang monitoring ng mga puwersa ng pamahalaan sa pangunguna ng DND, DILG at DoJ para masawata ang nasabing terror threat kaya mapapansin ang paghihigpit sa seguridad para sa gagawing prusisyon.

Nabatid na namataan ang nasabing grupo sa NCR at nagsasagawa na ng follow-up operation para mahuli bago pa man makapagsagawa ng karahasan.

Inihayag ng Pangulo na ang banta ay galing sa ektremistang grupo sa bansa at may koneksyon sa international terrorist group.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply