Testigo sa impeachment trial pinatatapyasan

NAIS ni Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago na bawasan ang sobrang damo ng testigong nais isalang ng House prosecution panel sa patuloy na paglilitis kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Nauna nang hiniling ni Santiago sa prosecution at defense team na isumite sa impeachment court ang kabuuang bilang ng mga testigo at documentary evidence na kanilang gagamitin sa paglilitis.

Ayon kay Santiago, masyadong marami ang 90 testigo ng prosecution na posibleng makapagpapabagal sa proceedings.

Nais linawin ng hukom sa dalawang partido kung alin sa nasabing mga testigo ang tatayong corroborative witness lamang.

Binigyang diin pa ng opisyal na sa ilalim ng Section 6 ng Rules of Court ay may kapangyarihan ang korte na limitahan ang pagpapalabas ng mga ebidensiya at testigo.

Una nang inamin ni Sen. Santiago na posibleng maapektuhan na ang mga panukalang batas sa Senado dahil sa impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona kung saan ang mga senador ang tumatayong senator-judges.

Samantala, sa panig naman ng depensa, hindi nangangamba ang kanilang grupo sa dami ng mga testigo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply