Testimonya ng top ZTE officials ikakasa vs GMA

UMAASA ang “whistleblower” sa kontrobersiyal na national broadband network deal scandal sa tulong ng mga opisyal ng Chinese firm na ZTE Corp., para mapanagot ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa panayam kay Joey de Venecia, inihayag ng negosyante na malaki ang maitutulong ng ZTE top officials na sina Yu Yong at Fan Yang sa kaso, dahil may personal silang alam hinggil sa nangyaring transaksyon.

Ang kaso ay kaugnay sa ibinunyag noon ni De Venecia na umano’y overpricing ng Arroyo administration sa isinusulong noon na $329-million national broadband network project sa pagitan ng pamahalaan at ZTE Corp.

Samantala, may 10 araw naman ngayon ang Sandiganbayan 4th Division para pag-aralan ang kasong graft laban kay Arroyo at iba pang sangkot, kung may sapat na basehan para sa pag-iisyu ng warrant of arrest.

Ayon naman kay Sandiganbayan Executive Clerk of Court Atty. Renato Bocar, sakali naman umanong walang makitang probable cause laban sa mga akusado ay kaagad din itong ibabasura ng anti-graft court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply