Text messages, tawag ng (2) globe subscribers dumagsa

HINDI lang pagnanakaw sa load ng Globe ang naranasan ko. Nag-update sila tungkol sa Promo nilang Globe rewards.

Sa laki na ng naipon kong rewards na umaabot na sa 1,400 ay nagulat na lang ako nang biglang mag-zero balance yung rewards ko gayung hindi ko pa naman kine-claim ito.

Sa ngayon, mayroon na naman akong naipong 500 na Globe rewards.

Sana ‘wag na ulit itong maglaho na parang bula.

Bandang alas-11:01 ng umaga noong Miyerkules (Dec. 28) ay nakatanggap ang inyong lingkod ng tawag sa aking cellphone mula sa nagpakilalang si Janice Taguba, ng Customers Service ng Globe telecommunications.

Ayon kay Ms. Janice Taguba, nakarating  sa pamunuan  ng GLOBE Telecommunications ang aking isinulat kaya agad nila akong tinawagan kaugnay sa aking inilathala.

Ayon kay Ms. Janice Taguba, paiimbestigahan daw ng Globe ang aking cp number kung bakit nagkaganon at kung bakit nawala ang aking mga ipina-load.

Kasabay nito ay humingi ito ng paumanhin sa mga nangyari at nangakong tatawag muli para sa resulta ng imbestigasyon.

Muli akong nakatanggap ng tawag mula kay Ms. Janice Taguba, bandang alas 3:30 ng hapon at sinabing ibabalik nila sa cellphone  number ko yung mga nawalang load habang patuloy na nag-iimbestiga ang kanilang support group.

Ang nasabing action ba na ito ng GLOBE ay nangangahulugang “guilty” sila o inaamin nila ang  ganito kasimpleng nakawan?

At paano naman yung ibang subscribers na nanakawan din ng load sa kanilang mga cp, ibabalik din ba sa kanila ang kanilang mga nawalang load?

Nagtatanong lang po…

Dec. 29 bandang alas 10:00 ng umaga ay may dumating na text message sa inyong lingkod mula sa GLOBE na nagsasabi na ang aking kahilingang imbestigasyon ay kanila nang isinasagawa kasabay ng pagbabalik ng mga nawala kong load.

Buong akala ko talaga ay naibalik na ang load ko ngunit nang mag-inquire ako ay wala naman yung sinasabi nilang load na ibinalik nila.

Hindi lang pala “magnanakaw” ng load ang  kompanyang ito kundi sinungaling din.

Totoo pala ang kasabihang ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling.

Dapat ng kumilos dito ang Senado at Kongreso, dahil mas masahol pa sa mga propesyonal  na magnanakaw ang kanilang ginagawa.

Oo nga’t simple lamang pero milyones naman ang kanilang nakukuha sa bawat minuto.

oOo

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento ay mag-text lang sa 09155683000  o kaya ay mag email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply