Thunder kumislap sa New Orleans

LIMANG laro sa anim na araw naramdaman ng Oklahoma City Thunder ang pagod laban sa New Orleans Hornets.

Nakuha pa ring humalimaw sa opensa si Kevin Durant, (29 puntos, 10 rebounds at apat na supalpal) upang kuryentihin ng Thunder ang Hornets, 95-85 sa 2011-12 National Basketball Association regular season kanina.

“It feels good to get five wins,” sabi ni Durant. “We’ve got to look forward to keep pushing, keep building on it and hopefully do a good job next game. It’s very encouraging that we can get through something like this.”

Kumana ng 11 puntos si Durant sa unang walong minuto sa third period upang palobohin ang lamang sa 12 matapos ang two points ahead sa half time.

Nasa top spot ang Thunder sa Northwest division ng Western Conference na may 10-2 win-loss slate habang ang Hornets ay kulelat sa Southwest division bitbit ang 3-7 panalo-talo karta.

“We showed that we can come out and jump on teams early, but we also showed we have difficulty sustaining it for 48 minutes,” ani Hornets guard Jarrett Jack na kumana ng eight points at eight assists. “It’s frustrating.”

Sina Chris Kaman at Karl Landry ang nanguna sa scoring ng Hornets na may tig 17 points.

Sa ibang resulta, umibabaw sa overtime period ang pinapaborang Los Angeles Lakers at San Antonio Spurs habang silat sa extra period ang Miami Heat laban sa LA Clippers, 89-95.

Tinalo ng Lakers ang Utah Jazz, 90-87 habang inupos ng Spurs ang Houston Rockets, 101-95.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply