Tinatratong daga ang mga maralitang taga-lungsod ng Aquino admin– solon

TINATRATONG parang mga daga ang mga maralitang taga-lungsod sa ilalim ng administrasyong Aquino tulad ng ginawa nilang demolisyon sa Barangay Corazon de Jesus sa San Juan.

Ito ang inihayag ni Gabriela Women’s Party-list Rep. Emmie de Jesus kaugnay ng isinagawang marahas na demolisyon sa mga residente ng naturang lugar kamakailan.

Sa ginawang pagkonsulta ni De Jesus noong nakaraang buwan sa mga residente ng Corazon de Jesus, ipinanukalang magsagawa muna ng city-relocation para maipagpatuloy lang ang pag-aaral ng kanilang mga anak kahit pansamantala lang.

Hindi na pinagbigyan ng pamahalaan ng San Juan ang nasabing kahilingin at isinagawa ang marahas na demolisyon.

Samantala, iminungkahi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na ibigay na lang ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang kanyang mga ari-arian sa mga nawalan ng tirahan sa nasabing demolisyon upang mapakinabangan ng taumbayan.

Tutal aniya, sinabi ni Corona na ido-donate niya ang kanyang mga ari-arian sa sandaling mapatunayang nakaw na yaman ang mga ito.

Base sa ulat, tinatayang may kabuuang 5,880 hektarya ang may 45 ari-arian ni Corona na maaaring pagtayuan ng 326 housing units sa ilalim ng programa ng administrasyong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply