Tindahan ng tela natupok sa Baclaran

NATIGIL ang operasyon ng LRT 1 mula Baclaran hanggang Gil Puyat Station at pabalik nang masunog ang mga  tindahan ng tela sa South Terminal Commercial Center sa Barangay Sto. Nino Pasay City kagabi (Enero 10).

Sa likod lamang ng nasusunog na commercial center ang residential area na tinawag na Bagong Lipunan.  Nagsimula ang sunog dakong alas-8:00 ng gabi at dakong alas-10:00 ng gabi ay nasa Task Force Alpha na ito.

Abala sa pagbubuhat ng mga paninda ang mga tindera at tauhan ng mga stall sa pagsasalba sa kanilng mga produkto at sa pinakahul;ing ulat ay inilagay  na ang alert ng sunog sa Task Force Bravo.

Sadyang napakalapit ng istasyon ng LRT sa nasusunog na lugar kaya’t pansamantalang itinigil ang operasyon nito ng biyaheng Baclaran-Gil Puyat ayon sa tagapagsalita ng LRT Administration na si Hernando Cabrera.

Ayon sa mga nakasaksi bago ang pagkalat ng apoy ay nakarinig umano sila ng malakas na pagsabog na hinihinalang paputok. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply