Todo-todo ang hagupit ng karma!: Dating sikat, madatung at flawless na boldstar taxi girl na lang

TAMA nga talaga BFFT Pete A. ang kasabihang ang buhay, parang gulong. Minsa’y nasa itaas, minsa’y nasa ibaba ka. At korek din ‘yung nakatala sa Bibliya na ang taong mga nagmamalabis ay ibinabagsak ng Diyos. Ganito, o mas mahigit pa, ang hagupit ng karma na nararanasan ngayon ng dating sikat, madatung at flawless na boldstar na may napatunayan din naman sa pag-arte at hosting.

Dati, noong peak years ng kanyang kasikatan, namimili na ng kanyang mga kausap sa press si medyo may edad ng sexy star. Iniisnab talaga nito ang dating mga ka-close na reporter na sa paningin niya ay mga cheap!

Eh, sino ngayon ang mas chipipay? Eh, di si boldstar na maliban na sa wala ng bahay at mga sasakyan at ipon sa banko, hayun, taxi girl na lang ito ngayon. Yes, araw-araw gabi-gabi wala nang ginawa ang kanyang dyulalay na bading na pinapasusweldo nito sa murang halaga lang, na pumapayag naman dahil fan niya ito, kundi ang mag-abang to death ng mga taxi na nagdaraan sa kalye.

At say mo! di carry ni aging boldstar na magpa-waiting ng taxi dahil expensive ‘yun. So pag-uwi pagkatapos ng taping siyempre, abang to the max na naman ang baklitang alalay ng masasakyan nila ng idolong hubadera. Eh, bakit? Sobra-sobrang karma naman ang dumapo rito.

Well, grabe kasi ang pang-a-aping ginawa nito sa rating non-show biz na mister. Noong maghiwalay sila at pinalayas niya ito sa kanilang house, wala siyang pinadala rito kundi damit lang. Na ang masaklap pa ay pinagbintangan niyang nagnakaw raw ng kanyang mga kayamanan na wala namang bahid ng katotohanan.

Pagkatapos, naging maliit rin ang tingin nito sa mga kaanak na nakatulong naman sa kanya noong wala pa siya sa showbiz at GRO pa lang sa Pegasus. For sure, sing galo- re ngayon ang dating manager ni boldstar ng “Ako Ang Nagwagi!” ni Ms Dulce.

Ay buhay gyud!

Claire dela Fuente Ipinagmamalaki Ng Total Image Asia

BILIB na bilib ang Total Image Asia na located diyan sa Timog Avenue sa singing talent ng sikat na diva/talent manager/enterpreneur na si Ms. Claire dela Fuente. Kaya naman noong magdesisyon ang management na magkaroon sila ng workshop para sa mga aspiring singer na gustong pasukin ang showbiz, si Claire kaagad ang naisip nilang kunin para magturo sa mga ito. At dahil authority ang nasabing diva sa field na ito ay tiyak na maraming matututunan ang kanyang mga estudyante lalo na’t hindi lang ang tamang pagkanta at pagpi-perform ang kanyang iwo-workshop dito kundi itu- turo rin niya kung papano magkaroon ng confidence ng hindi kabahan sa pagharap sa audience. Tuwing weekend lang ito at sampu lang sa bawat workshop na tatagal ang session hanggang 3 to 4 hours.

Bongga ang offer na total package improvement workshop for singing na ito ng Total Image Asia kaya’t samantalahin nyo na ang pagkakataong ito at sosyal dahil si Ms. Claire ang facilitator nyo. Para sa mga interesado at iba pang impormasyon paki- tawagan lamang si Ms. Hem sa tel nos. 215-3745.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply