Tone-toneladang patay na isda lumutang sa Lake Sebu

AABOT sa 49 metrikong tonelada ng isdang patay ang bumuyangyang sa Lake Sebu sa South Cotabato province.

Ang lokal na tilapia fish na nasa 50 fish cage, ay nagkakahalaga ng P3.8 milyong, ayon kay Rex Vagas, provincial fishery coordinator.

Aniya, may 46.5 tons ng tilapia ang natagpuang patay noong nakaraang Biyernes at 2.5 tons naman ang lumutang kahapon (Lunes) lamang.

Isinisisi ni Vagas ang pagkamatay ng mga isda sa “annual occurrence,” na tinatawag ng mga lokal na residente na “kamahong” o ang biglang pagtaas ng temparetura ng tubig.

Dahil sa nangyari, pinayuhan ang publiko na huwag munang kumain ng tilapia mula sa nasabing lawa, dahil ayon kay Rogelio Aturdido, provincial health officer, ang pagkain ng patay na isda ay maaaring magdulot ng abdominal discomfort at diarrhea.

Ipinaliwanag naman ng provincial agriculture office, na ang oxygen level sa Lake Sebu ay bumaba sanhi ng overstocking at polusyon sa tubig na maaaring dahil sa fish feeds o mga pakain sa isda.

Sinabihan naman ng awtoridad ang fish cage operators na pansamantalang itigil muna ang pagpapakain sa mga nakaligtas na mga isda kahit sa loob ng isang linggo para bumalik sa normal ang water oxygen level.

May 13 toneladang tilapia ang namatay din noong Hulyo sa ilalim din ng kaparehong pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply