Tong kolektor sa club, massage parlor atbp

SA kabila ng mahigpit na kampanya ng katiwalian at illegal gambling ni Pangulong Noynoy ay patuloy pa rin ang pambabastos sa kanya ng kanyang mga ka-KKK na nakikinabang  sa iligal na sugal, lalo na sa Tarlac, Bulacan at Pampanga.

Ayon sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files talamak pa rin ang iligal na sugal sa bansa lalo na ang sa Bulacan, Pampanga at sa mismong  lugar ni PNoy, ang Tarlac.

Sinasabing ginagamit  ng mga ka-KKK ng Pangulo ang kanilang  mga impluwensiya para sa gayun  ay mapakinabangan nila nang husto ang mga iligal na sugal sa kanilang lugar.

Noong panahon ng kampanya  ay isa sa mga naipangako ng Pangulo ang  kontra katiwalian at illegal gambling pero ano na ang  nangyari sa mga pangakong iyon?

Sa halip na matigil o mabawasan man lang ay lalo pang nag- sulputan na parang mga kabute  ang mga iligal na pasugalan sa bansa.

Ang masakit pa nito mismong sa lugar ng Pangulo ay talamak ang iligal na sugal mula Metro Manila , Bulacan, Pampanga at Tarlac, ang mga lugar na ito  ang madalas daanan ng Pangulo  patungong Tarlac at pabalik ng Metro Manila.

Mistulang pambabastos na ito ng mga ka-KKK ng Pangulo sa kanya dahil sa halip na tulungan nila ang Pangulo, sila pa mismo ang sumusuway sa mga kautusan nito.

At ano naman ang ginagawa ng ating mga kapulisan?

Sa halip na sugpuin ang mga iligal na pasugalan ay tumitimbre pa at kumukuha ng lingguhang  “tong” sa mga kapitalista.

Walang pinag-iba ang mga ka-KKK ng ating Pangulo at ang  ating mga kapulisan kung sa pagkunsinte sa mga pasugalan ang pag- uusapan dahil pare-pareho  silang nakikinabang.

Kung sa mga probinsya ay mga iligal na pasugalan ang ginagawang palabigasan ng mga ka-KKK ng Pangulo at ng mga pulis,  sa Metro Manila naman ay mga  videoke bar, club at sauna and massage parlor.

Tinatawagan po natin ng pansin si PNP Director General Nicanor Bartolome, Sir, baka puwedeng paki-monitor naman po ang  ating mga kapulisan dito sa Metro Manila lalo na po ang mga collector.

Aba, eh, maawa naman kayo sa mga namumuhunan.

Ok lang sa mga pasugalan dahil mga iligal ‘yun pero ang mga  maliliit na videoke bar, club at massage parlor na lumalaban ng parehas at nagbabayad ng kanilang mga tax sa gobyerno ay parang unfair naman yata kung gagawin din silang palabigasan ng ating mga kapulisan.

Gen. Nick Bartolome, sir, pa-ki-monitor lang po ang mga garapal at sugapang collector ng mga club, videoke bar at massage parlor sa Metro Manila dahil sila ang salot at dagdag pahirap sa mga negosyanteng lumalaban ng parehas at nagbabayad ng tax.

oOo

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento ay mag-text lang sa 09155683000 o kaya ay mag email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply