Total ban sa paputok sinuportahan sa Senado

SUPORTADO nina Senate Majority  Vicente Sotto III at Senador Francis “Chiz” Escudero  ang isinusulong ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Health  na total ban sa paggamit ng firecrackers.

Ayon kay Sotto, matagal na sanang isinulong ng DENR at DOH ang total ban sa  firecrackers dahil taun-taon na lang ay maraming mga Filipino ang nabibiktima ng paputok, dagdag pa ang mga idinudulot nitong sunog at matinding polusyon tuwing sinasalubong ang Bagong Taon.

Sa panig naman ni Escudero, meron itong kondisyon sa pagsuporta sa panukalang total ban sa paggamit ng firecracker.

Sinabi ni Escudero, na dapat ay may ihandang transition o alternatibong trabaho ang  gobyerno sa mga manggagawa na umaasa sa paggawa ng paputok.

Ito aniya ay upang hindi naman sila madisplaced o mawalan ng ikabubuhay kapag ipinatupad na ang total ban sa paggamit ng paputok.

Sa kabila nang puspusang kampanya ng gobyerno sa pangunguna ng DOH ay marami pa rin tayong mga kababayan na walang kadala-dala ang nabiktima ng paputok sa nitong nakalipas na pagsalubong sa Bagong Taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply